AO35 Task Force iniimbestigahan ang posibleng paglabag sa int’l humanitarian law ng mahigit 1,500 insidente na kinasasangkutan ng communist terrorist groups
Inumpisahan na ng AO35 Technical Working Group ang imbestigasyon sa mahigit 1,500 insidente ng mga posibleng paglabag sa international humanitarian law ng mga communist terrorist groups.
Sa statement na inilabas ni AO35 Secretariat Head at Assistant State Prosecutor Gino Paolo Santiago, sinabi na inatasan ng Inter-Agency Committee on Extra-Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture and Other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security of Persons (IAC) ang AO35 TWG na rebyuhin ang mga available na ebidensya para madetermina kung ang mga insidente ay AO35 cases at magrekomenda ng kaukulang aksyon.
Karamihan sa mga sinasabing paglabag ng mga communist terrorist groups ay ang pagsira o atake sa mga civilian properties, pagpaslang sa mga sibilya o non-combatants, children involved in armed conflict, at paggamit ng anti-personnel mines.
Ang mga nasabing 1,500 insidente ay naganap sa pagitan ng 2010 at 2020.
Una nang iniulat ng AO35 Secretariat sa 14th Regular Meeting ng DOJ led- IAC !ng nabanggit na listahan na isinumite ngArmed Forces of the Philippines Center for Law of Armed Conflict (AFP CLOAC)
Sinimulan ng TWG ang pagrebyu sa mga insidente sa mga rehiyon ng Bicol, Central Visayas, at Eastern Visayas.
Magpapatuloy ang rebyu hanggang sa katapusan ng Nobyembre at tutuon naman sa mga pangyayari sa CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas.
Ang imbestigasyon sa mga insidente sa ibang rehiyon ay magsisimula sa 2022.
May partisipasyon din sa ginagawang rebyu ng TWG ang mga kinatawan mula sa Commission on Human Rights.
Nagbigay din ng mga relevant documents ang PNP at AFP sa imbestigasyon ng AO35.
Moira Encina