Apat katao na sangkot sa pagbenta ng sanggol dahil sa online sabong, inireklamo ng kidnapping at human trafficking sa DOJ
Ipinagharap na ng NBI at DSWD sa DOJ ng mga reklamo ang apat na indibiduwal na sangkot sa pagbebenta ng sanggol dahil sa online sabong.
Mga reklamong kidnapping, human trafficking, at child abuse ang isinampa laban sa apat.
Kabilang sa inireklamo ang Nigerian national na si Ifeanyi Okoro at tatlong Pinay na sina Imelda Malibiran, Kristine Joyce Esdrelon at Rosemarie Gutierrez.
Una nang nadakip ng NBI sina Okoro at Malibiran sa rescue operation sa sanggol.
Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad sina Esdrelon at Gutierrez.
Inamin ng ina ng sanggol na ipinagbili niya ang anak sa halagang Php45,000 para bayaran ang utang dahil sa pagkalulong sa online sabong.
Hiningi nito ang tulong ng NBI para makuha muli ang kanyang sanggol.
Natunton naman ng NBI ang sanggol sa Nigerian at kasintahan nito na Pinay sa Laguna.
Moira Encina