Apat katao patay, matapos bumagsak ang isang military aircraft sa basilan
Apat ang kumpirmadong nasawi sa pagbagsak ng isang military aircraft Barangay Upper Manggas, Bayn Lantawan,Basilan.
Apat ang kumpirmadong nasawi sa pagbagsak ng isang military aircraft ng Philippine Airforce sa Barangay Upper Manggas, Lantawan , Basilan.
Narekober ng PNP Basilan ang bangkay nina Airman 2nd class Benidicto Leal Jr,Major Jessie D. Miller, PAF 1LT Mack-ar A. FERRER, at PAFSSG Miguel I. Banas.
Agad na nagtungo sa lugar ang 505 Rescue Aircraft ng Philippine airforce kasama ang mga tauhan ng 1st PMFC ng PNP para sa Retrieval Operation.
Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung bakit nasa Basilan ang Sikorsky Military Aircraft..
Nabatid na zero visibility ang lugar na pinagbagsakan ng Aircraft dahil sa ilang araw na mga pag-ulan sa lugar.
Apat ang kumpirmadong nasawi sa pagbagsak ng isang military aircraft Barangay Upper Manggas, Bayn Lantawan,Basilan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Major Jessie D. Miller, PAF 1LT Mack-ar A. FERRER, PAFSSG Miguel I. Banas,at PAF A1C Benedicto B. Leal JR.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon , na dahil sa zero visibility sa lugar bunsod ng ilang araw na mga pag-ulan ang naging dahilan nang pagbagsak ng military aircraft.
Gayunman patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente .
Ely Dumaboc