Apat na batang halos isang buwan nang nawawala sa kagubatan, natagpuan at under recovery na
Sinabi ng mga miyembro ng rescue group sa isang panayam sa telebisyon nitong Linggo, na “I’m hungry” at “my mom is dead,” ang mga unang salitang binigkas ng apat na batang 40 araw nang nawawala sa isang kagubatan sa Colombia nang sila ay matagpuan.
Matapos gumala ng higit sa isang buwan, ang mga batang Huitoto Indigenous — edad 13, siyam, lima, at isa — ay nailigtas at inilipad palabas ng Amazon noong Biyernes, at nagpapagaling na makalipas ang dalawang araw sa isang ospital ng militar sa Bogota, kabisera ng Colombia.
Nang kapanayamin nitong Linggo sa pampublikong broadcast channel na RTVC, ikinuwento ng mga miyembro ng unang grupong naghanap sa mga bata na pawang mga miyembro mismo ng Indigenous population, ang mga unang sandali pagkatapos makita ang mga bata.
Sinabi ni Nicolas Ordonez Gomes, isa sa search and rescue crew, “The eldest daughter, Lesly, with the little one in her arms, ran towards me. Lesly said: ‘I’m hungry.’ One of the two boys was lying down. He got up and said to me: ‘My mom is dead.’”
Dagdag pa ni Ordonez, “We immediately followed up with positive words, saying that we were friends, that we were sent by the family, the father, the uncle. That we were family!”
Ang apat na mga bata ay nawala sa kagubatan simula pa noong Mayo uno, nang bumagsak ang sinasakyan nilang Cessna 206.
Nag-report ang piloto ng problema sa makina ilang minuto lamang matapos mag-take off mula sa isang liblib na lugar sa Amazon na kilala bilang Araracuara sa 350-kilometrong (217-milya) na paglalakbay patungo sa bayan ng San Jose del Guaviare.
Ang bangkay ng piloto, ina bg mga bata at isa pang adult ay pawang natagpuan sa crash site.
Sa kaniyang pakikipag-usap sa mga mamamahayag nitong Linggo, ay sinabi ng ama ng mga bata na ang kanyang asawa ay malubhang nasugatan sa pagbagsak ng Cessna, ngunit binawian lamang ng buhay makalipas ang apat na araw, habang nasa kaniyang tabi ang kaniyang mga anak.
Sinabi ni Manuel Miller Ranoque, “The one thing that (13-year-old Lesly) has cleared up for me is that, in fact, her mother was alive for four days. Before she died, their mom told them something like, ‘You guys get out of here. You guys are going to see the kind of man your dad is, and he’s going to show you the same kind of great love that I have shown you.’”
Ang ina ng mga bata na si Magdalena Mucutuy, ay isang Indigenous leader.
Dahil sa lokal na kaalaman ng mga bata at ng mga Katutubong nasa hustong gulang na kasama ng Colombian troops sa paghahanap, kaya ang mga bata kalaunan ay natagpuang buhay pa sa kabila ng panganib na dala ng mga ahas at mga jaguar sa kagubatan, at ang walang humpay na pagbuhos ng ulan na maaaring sanhi kaya hindi nila narinig ang posibleng pagtawag ng mga naghahanap sa kanila.
Ayon sa National Organization of Indigenous Peoples of Colombia, “The survival of the children is a sign of the knowledge and relationship with the natural environment that is taught starting in the mother’s womb.”
Sinabi ni Luis Acosta ng National Indigenous Organization of Colombia, ”The children ate seeds, fruits, roots and plants that they identified as edible from their upbringing in the Amazon region.”
Ayon naman kay Defense Minister Ivan Velasquez, na bumisita sa mga bata sa ospital kasama si President Gustavo Petro, na nagpapagaling na ang mga ito, ngunit hindi pa makakain ng solid food.
Ang dalawang pinakabata, na ngayon ay nasa edad lima at isa, ay nagdiwang ng kanilang kaarawan sa gubat, habang si Lesly, ang pinakamatanda sa edad na 13, ang gumabay sa kanila.
Sabi ni Velasquez, “It is thanks to her, her courage and her leadership, that the three others were able to survive, with her care, her knowledge of the jungle.”
Pinuri naman ni General Pedro Sanchez, na siyang nanguna sa search operation, ang Indigenous people na kasama nila sa rescue effort na malaki ang naitulong para makita ang mga bata. “We found the children: miracle, miracle, miracle!” sabi pa ni Sanchez.
Ayon kay Army chief Helder Giraldo, higit sa 2,600 kilometro (1,650 milya) ang nasaklaw ng kanilang paghahanap bago nakita ang mga bata.
Aniya, “Something that seemed impossible was achieved.”
Bukod sa mga jaguars, ahas at iba pang predators, ang lugar ay tahanan din ng armadong drug smuggling groups.
Inilarawan ni Petro ang tagumpay bilang isang “meeting of Indigenous and military knowledge that had demonstrated a different path towards a new Colombia.”