Apat na cold storage facilities ng bansa, handa ng tumanggap ng Covid vaccine-Malakanyang
Mayroon ng apat na Cold storge facilities sa bansa na handa ng tumanggap ng anti COVID 19 vaccine. Sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na ang apat na cold storage facilities ay pumasa sa standard sa pag-iimbak ng anti COVID 19 vaccine ng Pfizer at Moderna na nangangailangan ng negative 70 degrees na temperatura.
Ayon kay Galvez ang kailangang cold storage facilities ay may kakayanan na tumanggap at magdistribute ng bakuna sa mga itatalagang Vaccination centers o end to end system.
nihayag ni Galvez na isinasailalim pa sa ebalwasyon ang iba pang cold storage facilities na kailangan ng bansa sa sandaling dumating na ang milyong milyong doses ng anti COVID 19 vaccine.
Vic Somintac