Apat na dayuhan at anim na Pinoy, arestado ng NBI dahil sa iligal na pag-okupa sa forestland sa Boracay island

Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na dayuhan at anim na Pilipino dahil sa iligal na pag-okupa sa forestland sa Barangay Balabag, Boracay Island, Malay, Aklan.

Kinilala ang mga inarestong foreign nationals na sina STEPHEN FIELD at MARK HARRINGTON na kapwa British, MICHIELSEN DIRK JOSEF isang Belgian, at Australian na si MARIA VICTORIA SCHAFER.

Ang mga Pinoy naman ay tinukoy ng NBI na sina MARY IRISH GUERRA, JOHNSON JACINAL, PATRICIA ANN VARGA, OSCAR DELOS SANTOS, ARTURO REVILLAME, at PAUL SAJISE.

Ang mga nabanggit na suspek ay ang sinasabing mga may-ari at caretaker ng mga establisyimentong nakatayo sa mga forestland nang walang kaukulang permiso.

Ang mga ito ay ang SEA VIEW APARTMENT, ALOHA VILLA, LA DOLCE VITA/CASA MONTE, PRIVATE MOUNTAIN CASITAS BORACAY INN, COHIBA VILLAS, CAROLINA PARK VIEW, at BORACAY SUNSHINE SHUTTLE AND LIMOUSINE CORPORATION

Inaresto ang mga suspek matapos hilingin ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group sa NBI na maipatupad ang mga umiiral na environmental laws laban sa mga nasabing non compliant establishments.

Ayon sa NBI, walang anumang permit mula sa DENR ang mga malalaking establisyimento na nasa forestland areas at 25+5 meter beach easement no-build zone.

Lumabag din sa No Build Zone ordinance ang ARTISTA BEACH VILLAS at MONKEY HOUSE.

Isinalang na sa inquest proceedings sa piskalya ang mga respondents kung saan ipinagharap sila ng reklamong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code, PD 1067 o The Philippine Water Code, at sa 25+5 meter beach easement ordinance ng Malay, Aklan.

Moira Encina

Please follow and like us: