Apat na foreign diplomats nakipag-pulong kay Vice- President Sara Duterte
Bumisita kay Vice- President at Education Secretary Sara Duterte ang apat na foreign envoys para talakayin ang pagpapaigting ng relasyon at kooperasyon ng Pilipinas at kanilang bansa.
Ang mga ito ay sina Bangladeshi Ambassador F.M. Borhan Uddin, Egyptian Ambassador Ahmed Shehabeldin, Israeli Ambassador Ilan Fluss, at Australian Ambassador Hae Kyong Yu.
Pangunahin sa tinalakay sa foreign diplomats ni Duterte ang Basic Education Development Plan (BEDP) 2030 ng bansa.
Ayon kay VP Duterte, ang BEDP ay ang long term direction para maresolba ang learning at performance gaps at mapataas ang kalidad ng basic education sa bansa.
Inilahad naman ni Bangladeshi Ambassador Uddin kay VP Duterte sa kanilang pag-uusap ang mga development sa ekonomiya, trade and investments, at sektor ng edukasyon sa Bangladesh.
Sa hiwalay na pulong, inihayag naman ni Duterte kay Egyptian Ambassador Shehabeldin ang mga hamon sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas.
Binanggit naman ng diplomat ang kaniyang mga rekomendasyon partikular ang kahalagahan ng information technology upang matugunan ang isyu sa access sa edukasyon.
Ipinabatid naman ni Israeli Ambassador Fluss ang mga inisyatiba ng Israel Government sa mga larangan ng agrikultura, water management, technology and innovation, at depensa ng bansa partikular sa Mindanao.
Pinasalamatan naman ng bise-presidente ang ambassador sa mga tulong ng Israel sa Pilipinas.
Inihayag naman ni Australian Ambassador Yu ang kaniyang kanaisan na makipagtulungan sa Pilipinas sa areas of common interest ng dalawang bansa.
Binanggit din ng ambassador ang on going projects ng Australia sa Pilipinas sa mga sektor ng kapayapaan, kababaihan at bata, at disaster response.
Moira Encina