Apat na hukom sa Las Piñas court, sasampahan ng kaso ng DOJ sa Korte Suprema
Irireklamo ng DOJ sa Korte Suprema ang apat na hukom mula Las Piñas court matapos na pagbigyan ang habeas corpus petition na inihain ng daan-daang dayuhan na kabilang sa nasa 2,000 na nahuli at nasagip sa cyber scam hub sa Las Piñas City noong Hunyo.
Nang dahil sa habeas corpus ay nakalaya mula sa kustodiya ng mga otoridad ang mga banyaga.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, inatasan na niya ang Bureau of Immigration (BI) na sampahan ng kasong administratibo na gross ignorance of the law ang apat na hukom.
Hindi na binanggit ng kalihim ang pangalan ng mga judge.
Aniya, dapat ay may inilatag na kondisyon ang mga huwes sa habeas corpus.
“Ang dapat dyan kapag meron kang foreigner na hinawakan with violation of immigration law dapat may collatilla ang paggrant ng habeas corpus unless they are being held for other lawful cause in that way they are ignoring the jurisdiction of Bureau of Immigration and Department of Justice with regards to illegal acts of alien in the country so we are filing cases against these judges so that we will find out if theres indeed gross ignorance of the law.” Pahayag ni Secretary Remulla
Sinabi ng kalihim na 600 dayuhan ang naghain ng habeas corpus petition at karamihan sa mga ito ay napagbigyan ng korte ang hirit.
Moira Encina