Apat na iba pang tao na nasa loob ng opisina ng NBI Counter -Terrorism Division, iniiimbestigahan na kaugnay sa pagkamatay ng hepe nito na si Rauol Manguera
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng National bureau of Investigation o NBI sa pagkamatay ni Counter- Terrorism Division Chief Raoul Manguera.
Sa inisyal na impormasyon, natagpuang sa kanyang opisina na may tama ng baril sa kanyang tiyan si Manguera Lunes ng gabi.
Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara ding patay bandang hatinggabi ng Martes.
Sa isang press conference, sinabi ni NBI Deputy Director at Spokesperson Ferdinand Lavin na under investigation na ang apat na iba pang tao na nasa loob ng tanggapan ng Counter Terrorism Division sa NBI Headquarters nang mangyari ang insidente.
Kinukuhanan na anya ang mga ito ng salaysay at cooperative sa mga imbestigador.
Ayon kay Lavin, lahat ng posibleng anggulo ay kanilang iniimbestigahan.
Kabilang sa mga ito ay posibleng suicide o kaya self inflicted accidental firing.
Gayundin ang accidental firing ng ibang tao o kaya ay sinadya o intentional na pagbaril sa biktima.
Sinabi ni Lavin na may limang iba pang tao sa NBI CTD office nang maganap ang insidente.
Magsasagawa din anya ng re-enactment sa pangyayari ang forensic team at mga ahente ng NBI.
Moira Encina