Apat na lang sa 96 na Barangay ng Marawi ang nanatiling hawak ng mga terorista – AFP
Kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines na malapit nang matapos ang krisis sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman BGen. Restituto Padilla, unti-unti na nilang napapasok at nakukubkob ang ilan sa mga lugar na itinuturing na stronghold ng Maute-ISIS group.
Katunayan 4 na lang sa 96 na Barangay ng Marawi ang nanatiling hawak ng mga terorista.
Naniniwala naman ang AFPna nasa Marawi City pa rin ang lider ng Abu Sayyaf at itinuturing na emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.
Ayaw namang kumpirmahin ng militar ang impormasyon na napatay na sa bakbakan ang magkapatid na Abdullah at Omar Maute.
Please follow and like us: