Apat na lugar sa W. Visayas, prayoridad na mabigyan ng J&J Covid-19 vaccine
Nasa kabuuang 289,900 doses ng single-shot Johnson and Johnson Covid-19 vaccine ang ipinadala sa Western Visayas region.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development (DOH WV CHD), prayoridad na mabigyan ng bakuna ang mga nasa A2 at A3 categories sa mga probinsiya ng Antique at Iloilo at mga lungsod ng Bacolod at Iloilo.
Sinabi ni DOH WV CHD medical officer Dr. Marie Jocelyn Te, 25,000 doses ang matatanggap ng Antique; 80,000 sa Iloilo province; habang tig-30,000 doses naman ang Bacolod at Ilooilo city.
Habang ang nalalabing alokasyon ay mapupunta sa Negros Occidental na 70,000; Capiz-30,000; 15,000-Aklan; 5,000-Guimaras at 4,900 bilang buffer doses.
Naipadala na Iloilo International Airport ang mga bakuna ng J&J ngayong Lunes, habang 6,000 at 14,000 vials naman ang ipinadala sa Bacolod city at Negros Occidental.
Matatandaang noong nakalipas na linggo, sinabi ni Virtual Presser ni DOH WV CHD Regional Director Dr. Adrian Suba-an na batay sa naunang kasunduan, ipadadala ang mga J&J vaccine sa mga isolated at disadvantaged areas pero dahil sa mga naitalang Delta variant cases sa Antique, nagkaroon ng pagbabago.
Maliban sa J&J vaccines, kasama rin sa shipment ang nasa 770 doses ng Astrazeneca vaccines.