Apat na milyong halaga ng smuggled cigarettes, nasabat ng Customs sa NAIA
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang kabuuang 2,520 reams ng sigarilyo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa BOC, nagkakahalaga ang mga sigarilyo ng 4 milyong piso.
Galing ang bagahe sa Novaliches, Quezon City at patungo sana ng South Geelong, Victoria, Australia.
Unang idineklarang mga paper hand towel ang bagahe pero nang isailalim sa physical examination natuklasang mga sigarilyo ang laman.
Ipinag-utos na ni District Collector Carmelita Talusan ang paglalabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) para sa nakumpiskang sigarilyo dahil sa paglabag sa Section 1400 (Misdeclaration) at Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) na may kaugnayan sa Section 117 (Regulated Importation and Exportation) ng Customs Modernization and Tariff Act, CMC No. 167-2020, Memorandum Circular No. 003 series of 2019 ng National Tobacco Administration at RMO 38-2003 ng Bureau of Internal Revenue.