Apat na pinaniwalaang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf, naaresto sa Zamboanga city, dahil sa mga kasangkapang pampasabog
Sa bisa ng Oplan Paglalansag at Oplan Salikop, naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulis at militar sa Zamboanga cit ang apat na kalalakihang pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf.
Alas-3:00 kaninang madaling-araw ay pinasok ng mga otoridad ang bahay na pinagtataguan ng mga suspek sa Manggal drive, Baliwasan Grande ng lunsod.
Nakilala ang mga suspek na sina Aljiver Habibula, Omar Julaspih, Rody Marail at Nash Amik.
Nilabag ng mga ito ang Republic Act 9516 o An Act of illegal at unlawful possession, manufacture, dealing in, acquisition or disposition of firearms, ammunitions or explosives o ang pagkakaroon ng mga kagamitan sa paggawa ng baril, mga bala, mga pampasabog at iba pang bagay na magagamit ng isang grupo laban sa gobyerno.
Nabawi mula sa apat na suspected ASG member ang: Non-electric blasting caps; Electric blasting cap; limang 40 MM live ammunitions; Detonating cord; Mga di pa matukoy na timbang ng suspected ANFO na inilagay sa isang 500 ml transparent plastic container; isang cellphone; Mga triggering device, Electric tape; Stranded electric wire; Mga magnetic wire; Klase-klasing common nail; At mga ammonium nitrate.
Ang apat na naaresto ay konektado umano sa grupong Abu Sayyaf na nag-ooperate sa Basilan Sulu at Tawi-tawi
Ulat ni Ely Dumaboc