Apat na SC justices, inakusahan ni Chief Justice on-leave Sereno ng pagiging biased

Tahasang sinabi ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno na biased sa kanya ang apat sa mga kasamahan niyang mahistrado.

Ang mga ito ay sina Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza at Noel Tijam.

Una nang naghain sa Korte Suprema ng Motion for inhibition laban sa apat na Justices si Sereno.

Ayon sa mosyon ni Sereno, malalabag ang kanyang right to due process kapag pinayagan na makalahok sa deliberasyon sa Quo Warranto petition laban sa kanya ang apat.

May makatwirang basehan anya para mag-inhibit   ang apat dahil nagpakita ang mga ito ng aktuwal na biased, animosity at ill-feelings sa kanya.

Ang naturang mga justices anya ay aktibong lumahok sa tinaguriang ‘Red Monday’ protest na nananawagan sa kanyang pagbibitiw at tumestigo laban sa kanya sa impeachment proceedings sa Kamara.

Naniniwala si Sereno na na-prejudged na ng mga nasabing mahistrado ang merito ng kaso kaya dapat nilang bitiwan ang quo warranto petition laban sa kanya.

Muli namang iginiit ni Sereno na walang kapangyarihan ang Supreme Court na patalsikin siya sa pwesto sa pamamagitan ng Quo Warranto.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *