Apat patay, lima nawawala sa nangyaring pagsabog sa hydroelectric plant sa Italy
Hindi bababa sa apat ang namatay at limang iba pa ang nawawala, sa nangyaring pagsabog sa isang Italian hydroelectric power plant.
Sinabi ng isang opisyal mula sa Bologna prefecture sa central Italy, na tatlo katao rin ang nasaktan sa pagsabog na nangyari sa Bargi plant na pinatatakbo ng Enel Green Power, na nasa Lake Suviana.
Sabi naman ng Bologna fire department head na si Calogero Turturici, na may isang malubhang nasaktan.
Ayon sa alkalde ng kalapit na bayan ng Camugnano na si Mayor Marco Masinara, “The explosion is a ‘terrible workplace accident’ that affected the entire community.”
Aniya, “It seems there was a floor slab collapse and rescue is difficult as a lot of water entered inside the eighth basement floor.”
Hindi pa batid ang opisyal na sanhi ng aksidente.
Sa kaniyang social media post ay sinabi ni Prime Minister Giorgia Meloni, “I was following with apprehension the terrible news regarding the explosion.”
Nakikipag-ugnayan naman sa mga awtoridad ang Enel Green Power, ang renewables unit ng energy giant na Enel na siyang nago-operate sa planta.
Sa isang pahayag ay sinabi nito, “A fire affected one of the two groups of the Bargi plant in the province of Bologna.”