Ilang bahay sa Guinobatan, Albay, natabunan ng lahar

Inaalam pa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Albay kung ilan ang mga namatay matapos matabunan ng lahar ang ilang bahay sa probinsiya.

Sa ulat ni Eagle correspondent Eddie Ojano, ang mga bahay na natabunan ay sa bayan ng Guinobatan.

Hindi pa rin inilalabas ng mga opisyal ang pagkakakilanlan sa mga biktima.

Nananatiling walang kuryente sa malaking bahagi ng Albay pero wala nang nararanasang ulan sa lalawigan.

Hindi pa rin madaanan ang maraming kalsada dahil sa mga nagbagsakang sanga ng puno at mga putik na nagmula sa Mount Mayon.

==========

A general view shows a swollen river due to heavy rains brought by Super Typhoon Goni in Legazpi City, Philippines’ Abay province on November 1, 2020. (Photo by Charism SAYAT / AFP)
A general view shows coconut trees swaying amid strong winds as Super Typhoon Goni makes landfall in Legazpi City, Philippines’ Abay province on November 1, 2020. (Photo by Charism SAYAT / AFP)

Please follow and like us: