Apela para sa posibilidad na maharang ang nakatakdang paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, hindi na kakayanin- Secretary Panelo
Magkakatalo na lang sa computation ng bilang ng taon na dapat ibawas sa sentensiya ni dating Calauan LagUna Mayor at convicted rapist- murderer Antonio Sanchez ang dapat pag-usapan sa gitna ng napipintong paglaya nito mula sa kulungan.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsilbing isa sa mga defense lawyers ni Sanchez sa harap ng samut-saring reaksiyon hinggil sa pagkakabilang ng dating alkalde sa may labing isang libong inmates na nakatakdang makalaya sa susunod na dalawang buwan.
Ayon kay Panelo hindi na kakayanin pa ng apela o ng anomang intervention kung lalabas na talagang kuwalipikado si Sanchez para makabenepisyo sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance Law.
Sinabi ni Panelo kung iyon ang itinatakda ng batas ay walang magagawa ang sinoman kundi sumunod sa umiiral na rule of law.
Niliwanag ni Panelo bahala na ang Bureau o BUCOR kung paano ire- recompute ang pagbabawas sa sentensiya ni Sanchez na umano’y nagpakita ng good behavior, dahilan para makasama ito sa mga umanoy nakatakdang lumaya matapos ang mahigit dalawang dekadang pagkakakulong sa National Bilibid Prison.
Ulat ni Vic Somintac