Apila ng Metro Mayors na huwag munang buksan ang mga sinehan, tatalakayin sa pagpupulong ngayon ng IATF
Pag-uusapan sa meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang apila ng Metro Manila Mayors na huwag munang ipatupad ang pagbubukas ng mga sinehan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na pinapakinggan naman ng IATF at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang concern ng mga Local Government Units (LGU’s).
Ayon kay Roque lahat ng desisyon ng IATF na may kinalaman sa pagluluwag o paghihigpit ng ipinatutupad na Quarantine Protocol ay suportado ng scientific study batay sa attack rate at health care response ng pamahalaan sa kaso ng COVID 19 sa bansa.
Inihayag ni Roque pangunahing konsiderasyon sa pagluluwag sa mga nasa General Community Quarantine o GCQ ay may kinalaman sa ekonomiya.
Batay sa report, umaapila ang Metro Mayors sa IATF na huwag munang buksan ang mga sinehan lalu’t papayagan ang 50 percent capacity sa mga Cinema house dahil delikado pa rin ang sitwasyon at baka maging sanhi ito ng lalong paglala ng kaso ng COVID 19 sapagkat dumarami ang kaso ng United Kingdom variant ng Coronavirus.
Vic Somintac