Aplikante para sa SC associate justice post na binakante ni CJ Alexander Gesmundo, umabot sa 15
Kabuuang 15 aplikante ang magtutunggali sa posisyon ng associate justice ng Korte Suprema na binakante ni Chief Justice Alexander Gesmundo.
Karamihan sa mga aplikante ay mahistrado ng Court of Appeals at Sandiganbayan.
Kabilang sa mga ito sina CA Justices Nina Antonio- Valenzuela, Apolinario Bruselas Jr., Ramon Cruz, Japar Dimaampao,Maria Filomena Singh, at Ronaldo Roberto Martin.
Naghain din ng aplikasyon sina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje- Tang, at Associate Justices Geraldine Faith Econg, Alex Quiroz, at Rafael Lagos.
Aplikante rin sina Court Administrator Jose Midas Marquez, Deputy Court Administrator Raul Villanueva, at Finance Undersecretary Antonette Tionko.
Kasama rin sa nagsumite ng aplikasyon si Ateneo Law Dean Sedfrey Candelaria at abogadong si Benedicta Du-Baladad.
Itinakda ng Judicial and Bar Council ang online public interview sa ilan sa mga aplikante sa June 2 at 3.
Pito lamang sa 15 ang sasalang sa interview dahil valid pa ang nakaraang JBC interview ng walong iba pang aspirante sa Korte Suprema.
Moira Encina