Aplikante sa mababakanteng puwesto sa SC, umabot sa 10
Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang listahan ng mga ikinukonsiderang aplikante para sa mababakanteng puwesto sa Korte Suprema.
Ayon sa JBC, 10 ang naghain ng aplikasyon para sa associate justice post na iiwan ni Justice Rosmari Carandang na magreretiro sa Enero ng susunod.
Isa sa mga aplikante sa posisyon si Commission on Audit Chairperson Michael Aguinaldo.
Si Aguinaldo ay una nang inirekomenda sa puwesto ni retired Chief Justice Lucas Bersamin.
Bukod kay Aguinaldo, nagsumite rin ng aplikasyon sina Court of Appeals Justices Apolinario Bruselas Jr., Ramon Cruz, Ronaldo Roberto Martin, at Maria Filomena Singh.
Gayundin, si Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje- Tang at Associate Justice Geraldine Faith Econg.
Naghain din muli ng aplikasyon sina Deputy Court Administrator Raul Villanueva, COMELEC Commissioner Antonio Kho Jr., at Finance Undersecretary Antonette Tionko.
Hinimok ng JBC ang publiko na isumite sa kanila sa pamamagitan ng link sa kanilang website ang anumang komento o concerns sa mga nabanggit na aplilkante.
Moira Encina