Aplikante sa pwestong babakantehin ni SC Justice Presbitero Velasco Jr. sasalang sa public interview ng JBC sa June 14

Itinakda na ng Judicial and Bar council sa June 14 ang public interview sa mga aplikante para sa posisyong babakantehin sa Korte Supreme ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr na magreretiro sa August 8.

Ito ay batay sa abiso na ipinalabas ng JBC na may lagda ni en banc Clerk of Court at JBC Ex Officio Secretary Edgar Aricheta.

Anim sa 12 aplikante ang sasalang sa screening ng JBC.

Una sa haharap sa JBC sina Court of Appeals Justices Oscar Badelles at Manuel Barrios at Davao RTC Judge Carlos Espero II na nakaiskedyul sa umagang public interview na alas nueve ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Nakatakda naman sa hapong JBC screening na 2pm hanggang 5pm sina CA Justices Ramon Garcia at Amy Lazaro-Javier at Ateneo College of Law Dean Cesar Villanueva.

Aplikante rin sa pwesto sina Court Administrator Jose Midas Marquez at limang iba pang CA justices pero hindi na sila sasalang sa screening dahil valid pa rin ang nakaraang public interview sa JBC.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *