Aplikasyon para sa exemption sa Election gun ban, maaari nang isumite sa COMELEC simula sa December 1
Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang panuntunan sa pagkuha ng exemption para sa election gun ban.
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10446, maAari nang isumite mula December 1, 2018 hanggang May 29, 2019 ang aplikasyon at requirement para sa pagkuha ng Certificate of Authority para sa gun ban exemption sa Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel sa Comelec main office sa Intramuros.
Iiral ang gun ban sa election period mula January 13, 2019 hanggang June 12, 2019 .
Sa loob ng nasabing panahon ay bawal ang pagdadala o pagbyahe ng baril o anumang deadly weapon.
Suspendido rin ang mga permit to carry firearm outside residence.
Para sa mga law enforcement agencies gaya ng PNP, AFP at NBI, kinakailangan pa rin ang mga itong mag-apply ng issuance of authority para makapagbitbit ang kanilang mga operatiba ng baril.
Alinsunod sa Omnibus Election Code, ang mga lalabag sa gun ban ay papatawan ng parusang hanggang anim na taong pagkakulong.
Ulat ni Moira Encina