Appellate collegiate courts sa NCR, maaari na ring magsagawa ng in-court proceedings
Pinayagan na rin ang lahat ng appellate collegiate courts sa Metro Manila na magdaos ng in- court proceedings simula ngayong Miyerkules, October 20 hanggang 29.
Ito ay matapos na ibaba ng IATF sa Alert Level 3 ang NCR.
Puwede ang in-court proceedings sa mga urgent matters at iba pang kaso na dideterminahin ng presiding justice o chairpersons ng iba’t ibang divisions.
Pero, limitado ang in-court attendance sa mga abogado, partido at testigo na obligado na humarap sa pagdinig.
Muling inulit ng Supreme Court na inalis na rin ang suspensyon sa filing at service ng pleadings at mosyon sa lahat ng lugar anuman ang community quarantine classification
Hanggang 30% na skeleton workforce ang pinapahintulutan sa mga nasabing korte sa ilalim ng Alert Level 3.
Moira Encina