Appellate collegiate courts sa NCR, pisikal na sarado pa rin simula ngayong Oktubre 4
Mananatiling pisikal na sarado ang mga appellate collegiate courts sa Metro Manila simula ngayong Oktubre 4 maliban sa Korte Suprema
Sa administrative circular na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo, sinabi na bubuksan lamang ang mga nasabing hukuman sa mga court users sa mga urgent matters kung saan kailangan ang in-court proceedings.
Magpapatuloy naman ang online operations at pagsasagawa ng videoconferencing hearings ng Sandiganbayan at Court of Tax Appeals sa lahat ng pending na kaso urgent man o hindi.
Suspendido pa rin ang filing at service ng mga pleadings at mosyon sa nasabing panahon.
Limitado naman sa 20% ang skeleton workforce sa mga korte at essential judicial offices sa mga appellate courts sa NCR para tumugon sa urgent concerns.
Maaaring i-contact ng publiko ang mga korte sa kanilang email addresses at hotlines.
Moira Encina