Appointment ni Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation tuloy kahit na-disbar ng Korte Suprema – Malacañang
Tuloy pa rin ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kay Secretary Larry Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.
Sa kabila ito ng disbarment ruling ng Korte Suprema kay Gadon dahil sa viral video na ina-alipusta niya ang isang mamamahayag.
Sa statement na inilabas ng Malacañang, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na walang mababago at epekto sa trabaho nito ang Supreme Court (SC) ruling.
“He will continue on his new role as Presidential Adviser on Poverty Alleviation as there are urgent matters that need to be done in the President’s anti-poverty programs,” pahayag sa statement na inilabas ni Exec. Sec. Bersamin.
Batid din umano ng Palasyo ang kasong kinakaharap nito at naniniwala silang hiwalay ang isyu sa kaniyang pagiging abogado at bilang adviser ng Pangulo.
“We were aware of Sec. Gado’s cases before the Supreme Court, but the President felt that his work as presidential adviser will not get affected by his status as a lawyer.”
“This is a matter which he will have to personally attend to,” dagdag pa ng executive secretary.
Tiwala pa rin aniya ang Pangulo sa magagawa ni Gadon.
“The President believes he will do a good job,” dagdag pa ni Bersamin.
Bagama’t ia-apela pa ni Gadon ang disbarment sa Korte Suprema, sinabi nitong haharapin niya ang usapin sa personal na apasidad at hindi na sasagot sa anomang tanong sa isyu dahil itinuturing niyang retirado na siya sa abogasya.
Bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation, sinabi ni Gadon na una niyang tututukan ang nutrition program na tatawaging Batang Busog, Malusog o BBM na planong ilunsad sa July kasabay ng paggunita sa Nutrition Month.
Weng dela Fuente