Appointment papers ni bagong Chief Justice Lucas Bersamin, inilabas na ng Malacañang – Justice Secretary Guevarra

Kinumpirma ni Justice Secretary at JBC ex officio member Menardo Guevarra ang pagkakatalaga kay Justice Lucas Bersamin bilang bagong Punong Mahistrado.

Sinabi ni Guevarra na inilabas na ng Office of the Executive Secretary ang appointment papers ni Bersamin bilang Chief Justice.

Bukod kay Bersamin, kinumpirma rin ni Guevarra na napili ni Pangulong Duterte si Court of Appeals Justice Rosmari Carandang bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

Si Carandang ay nag -top 9 sa 1975 Bar exams.

Nagsilbi rin siyang Presiding Judge ng Manila RTC bago ma-appoint bilang CA Justice noong 2003.

Pinalitan ni Bersamin sa pwesto ang nagretirong si Chief Justice Teresita De Castro.

Ang posisyon naman ni De Castro bilang Associate Justice ang pinunan ni Carandang.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *