Appointment system sa ilang serbisyo ng MECO inalis na

Tinanggal na ng Manila Economic and Cultural Office o MECO ang appointment system para sa lahat ng serbisyo sa mga Filipino nationals, Taiwanese employers, investors at turista.

Sa isang pahayag, sinabi ng MECO na epektibo nitong Agosto 1, na pwede ng dumerecho sa kanilang tanggapan sa Taipei, Taichung, at Kaohsiung maging kanilang attached agencies.

Ayon kay MECO Chair Silvestre Bello III, layon nitong gawing simple ang sistema at matiyak na lahat ay maseserbisyuhan ng maayos.

Pero para sa mga mag-aapply para sa Passport renewal at Notarial requests iiral parin ang appointment system.

Ang passport services ay hawak kasi umano ng consular office ng Department of Foreign Affairs at pinaiiral rito ang appointment at data-capturing.

Sa notarial services naman kailangan umano ng MECO ng sapat na panahon para sa pagnotaryo ng dokumento dahil may mga kailangan pang ihandang affidavit at iba pang dokumento patungkol rito.

Para naman sa kukuha ng overseas employment certificate dapat mag log in muna sa onlineservices.dmw.gov.ph bago pumunta sa MECO.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *