Arawang kaso ng COVID-19 sa bansa umaabot na sa 1,700 kada araw
Pumapalo na sa 1,700 ang naitatalang bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa kada araw.
Sa datos ng Department of Health, patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso sa bansa kung saan ang weekly positivity rate umabot na sa 10.6%.
Ayon sa DOH, mula July 8 hanggang 14, nasa 1,751 ang kaso ng COVID- 19 kada araw sa kabuuan ng bansa.
Mas mataas ito ng 40% sa 1,247 daily cases na naitala mula July 1 hanggang 7.
Sa mga rehiyon, ang National Capital Region parin ang nakitaan ng may pinakamabilis na pagtaas ng mga kaso na umabot na sa 750 kada araw.
Sa kabila nito, ayon sa DOH, nananatili parin namang nasa low risk category ang kabuuan ng bansa.
Hindi rin apektado ng mataas na kaso ang health care utilization rate ng bansa bagamat nakitaan ito ng 1 porsyentong pagtaas.
Madelyn Villar – Moratillo