Arms Trade treaty pinaboran ng Senado
Kinatigan ng Senado ang paglagda ng Pilipinas sa Arms Trade treaty na layong iregulate ang kalakalan ng armas batay sa International standards.
16 na Senador ang pumabor sa Senate Resolution 960 habang anim ang nag-abstain kabilang na sina Senador Juan Miguel Zubiri, Grace Poe , Ralph Recto, Ronald Dela rosa at Senador Francis tolentino.
Ang kasunduan ay una nang inadopt sa United Nations General Assembly noong April 2, 2013 na pinaboran ng mahigit isangdaang bansa kung saan kabilang ang Pilipinas sa mga naging signatory.
Ayon kay Senador Aquilino Koko Pimentel , Chairman ng Senate committee on foreign relations sa pamamagitan nito mapipigilan ang iligal na bentahan ng mga armas.
Nakasaad kasi rito na mahigpit na ipagbabawal ng mga bansa ang export, transit, shipment at importation ng armas kung gagamitin ito sa crime against humanity at iba pang karahasan.
Kasama rito ang mga tangke, armored combat vehicles, large-calibre artillery systems, combat aircrafts, warships, missiles at iba pang ammunition.
Meanne Corvera