Arraignment sa mga suspects sa Degamo killing, itinakda ngayong hapon ng Manila RTC

Itinakda mamayang hapon sa Manila Regional Trial Court (rtc)ang pagbasa ng sakdal sa mga suspek sa Degamo killing.

Ayon sa abogado ng lima sa mga suspek na si Atty. Danny Villanueva, inaasahan na maghahain ng not guilty plea ang mga akusado.

Nahaharap ang mga ito sa mga kasong murder, frustrated murder at attempted murder dahil sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pang katao noong Marso 4.

Sinabi pa ni Atty. Villanueva na posibleng maghain ng affidavit of recantation o salaysay ng pag-urong ang limang iba pang suspek.

Ito ay batay aniya sa pagkausap niya sa mga abogado ng nasabing mga suspek.

Una nang bumaligtad ang limang kliyente ni Villanueva na sina Jhudiel Rivero, Romel Pattaguan, Dahniel Lora, Rogelio Antipolo Jr., at Joven Javier.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *