Art market nakabawi sa kabila ng mga hamong kinaharap nito
Sinabi ng Sotheby’s, “A Monet sold for nearly $35 million at Wednesday’s evening auction, marking a solid start to New York’s spring art sales.”
Kapwa inilunsad ng Sotheby’s at ng karibal nitong auction house na Christie’s, ang kanilang spring season noong Lunes.
Bagama’t humina ang pandaigdigang merkado ng sining noong nakaraang taon, ang malakas na benta sa London at Paris ay nagdulot ng optimismo para sa 2024.
Ang “Meules a Giverny” ng French impressionist na si Claude Monet, na kaniyang ipininta noong 1893, ay naibenta ng $34.8 milyon pagkatapos ng ‘bidding war.’
Sothebyís art handlers hold Leonora Carrington’s ìLes Distractions de Dagobert” during a media preview in New York City. — British-Mexican artist Leonora Carrington broke her own auction record when her “Les Distractions de Dagobert” sold for $28.5 million (Photo by TIMOTHY A. CLARY / AFP)
Samantala, binasag naman ng British-Mexican artist na si Leonora Carrington ang sarili niyang auction record nang maipagbili ang kaniyang “Les Distractions de Dagobert” sa halagang $28.5 million.
Ayon sa Sotheby’s, dahil sa bago niyang record, si Carrington ay kabilang na ngayon sa “top five most valuable women artists” sa auction, at kabilang sa “top four surrealist artists,” Dinaig na niya si Max Ernst at Salvador Dali.”
Sothebyís art handlers hold Andy Warhol and Jean-Michel Basquiat’s “Untitled” during a media preview for Sotheby’s in New York City. – Basquiat’s “Untitled (ELMAR)” sold for $46.5 million (Photo by TIMOTHY A. CLARY / AFP)
Ang Christie’s naman ay nakapagbenta ng nasa $115 million ng contemporary art, kabilang ang isang Jean-Michel Basquiat painting na nabili sa halagang $32 million.
Sa Phillips auction house, ang “Untitled (ELMAR)” ni Basquiat ay naibenta ng $46.5 million.
Bunsod ng giyera sa Ukraine at ‘fallout,’ na nagbunga ng pagkaunti ng Russian buyers, ang worldwide sales sa art auction ay bumagsak sa $14.9 billion noong isang taon, kumpara sa $16 billion noong 2022.