Arthritis drug, na-prequalify ng WHO para sa severe COVID-19 cases
Sinabi ng World Health Organization (WHO), na na-prequalify nito ang arthritis treatment tocilizumab para gamitin sa mga pasyenteng naospital na may malubhang COVID-19, sa pagsisikap na maragdagan ang access sa mahal na gamot.
Ang monoclonal antibody, na ginagamit sa mga anti-inflammatory na gamot na ginawa ng Swiss pharma giant na Roche, ay nakitang nakapagpabawas sa panganib ng kamatayan at pati na rin ang tagal ng pagpapa-ospital ng ilang mga pasyente na dumaranas ng malubhang Covid.
Ang WHO, tulad ng United States at European Union, ay nagrekomenda na ng paggamit nito para gamutin ang malubhang COVID-19 sa mga ospital.
Ngunit nananatili itong kulang sa supply at napakamahal — ang isang dosis ay naiulat na umaabot ng hanggang $600 sa mga bansang mas mababa ang kita, ayon sa WHO, at idinagdag na kahit man lang ang prequalification nito ay dapat makatulong na gawin itong mas madaling mabili.
Sinabi ng ahensyang pangkalusugan ng UN, na nagdagdag ito ng tatlong magkakaibang komposisyon ng monoclonal antibody sa listahan nito ng mga prequalified na paggamot para sa pandemic disease, sa isang hakbang na naglalayong pasiglahin ang paggawa ng mas murang mga generic na bersyon.
Ayon sa WHO . . . “The listings should pave the way for more companies coming forward to seek WHO prequalification, thereby increasing the number of quality-assured products and creating competition leading to potentially lower prices. The prequalification of these products will also facilitate low- and middle-income countries’ authorisation of them as Covid treatments.”
Sinabi pa ng WHO, na ang proseso ng prequalification nito ay pangunahing naglalayong tiyakin ang kalidad, kaligtasan at bisa ng mga produktong medikal na binili sa mga umuunlad na bansa.
Ang prequalification ay nagbibigay ng mga katiyakan sa mga bansa na sila ay bumibili ng mga de-kalidad na produktong pangkalusugan.
Bago ang tocilizumab, ang WHO ay nag-prequalify ng tatlong magkakaibang komposisyon para sa steroid dexamethasone para sa paggamot sa COVID-19, pati na rin ang antiviral remdesivir ng Gilead, bagama’t ang prequalification na iyon ay nasuspinde na.
Ang Tocilizumab ay dati nang pinahintulutan para sa paggamot ng arthritis sa halos 120 bansa.
Ngunit sa panahon ng pandemya, ipinakita rin nito na kayang sugpuin ang isang mapanganib na “cytokine storm” — ang sobrang reaksyon ng immune system sa coronavirus.
Tinukoy ng WHO na ang patent para sa tocilizumab ay nag-expire para sa karamihan ng mga gamit nito.
Anila . . . “This means there should be no intellectual property barriers, although there was low global availability for quality-assured biosimilars of the product.”
Sinabi rin ng WHO na nakikipag-usap na ito sa Roche, kung paano babaan ang mga presyo at maging mas madali sa mga low at middle-income countries na makabili nito.
Pero binigyang-diin na ang prequalification ay para lamang sa mga produkto ng Roche.
Pahayag ng WHO . . . “Many generic companies are already producing tocilizumab, some of which have also applied for prequalification. If they are found to comply with WHO standard… they can enter international markets. In a sense, prequalification is also indirectly promoting quality local production, and ultimately greater supply and more competitive prices.”