Artist, lumikha ng kahanga-hangang Web Portraits, gamit ang single Sewing thread
Ang Slovenian artist na si Sašo Krajnc, ay lumikha ng napaka-detalyadong mga portrait, sa pamamagitan ng mahigpit na pag-i-ikot-ikot ng single sewing thread sa isang circular wooden frame, para makabuo ng overlapping straight lines.
Sa pamamagitan ng overlapping straight lines, ay nakagagawa si Krajnc ng napaka detalyadong facial features, gaya ng kurba ng mga mata at labi, sa isang circular wooden o aluminum frame, na napapalibutan ng mga pakong metal.
Mas maraming beses na maulit ang overlapping ng mga linya sa isang bahagi ng portrait, ay mas nagiging dark ang bahaging iyon na siyang paraan naman ni Krajnc para ma-kontrol ang shading at details ng kaniyang artworks.
Maraming taon na nagtrabaho ang slovenian artist bilang isang graphic designer, software at web developer, subali’t mas na-i-inspired sya at na-tsa-chalenge sa sining ng tuwid na guhit, kaya’t ngayon ay nakatuon na ang kaniyang panahon sa paglikha ng mga itinuturing na “awe-inspiring” string art sa kaniyang workshop.
================