ASEAN-Australia summit nahihirapang magkasundo tungkol sa Gaza
Nahihirapan ang mga lider mula sa Southseast Asia at Australia na makahanap ng common ground sa lumalalang krisis sa Gaza, dahil hindi magkasundo ang mga bansa para sa isang joint declaration.
Ang lumulubhang sitwasyon sa Gaza Strip ay naging topic ng matinding debate, nang magpulong sa Melbourne ang mga lider mula sa ASEAN-bloc na may sampung miyembro para sa tatlong araw na summit kasama ng kanilang Australian counterparts.
Dahil malapit na ang Ramadan ng mga Muslim, pinabibilis na ng Estados Unidos at dumaraming mga bansa ang mga pagsisikap na magkaroon ng pahinga sa mga labanan.
Sa isang draft joint ASEAN-Australian statement, lumilitaw na mayroong malawak na pagsang-ayon sa likod ng panawagan para sa “isang agaran at matatag na humanitarian ceasefire.”
Nakasaad sa draft, “We condemn attacks against all civilians and civilian infrastructure, leading to a further deterioration of the humanitarian crisis in Gaza including restricted access to food, water, and other basic needs.”
Iminumungkahi naman sa isang working draft ng joint declaration sa mga naunang araw ng linggong ito, ang pagpapakita ng malalim na pagkakabaha-bahagi “behind close doors.”
Nagtalo rin ang mga diplomat kung ang naturang statement ay nananawagan para sa isang total ceasefire o sa isang panandaliang “humanitarian” pause.
Ang Southeast Asia ay tahanan ng nasa 40 porsiyento ng Muslim population ng mundo, at ang ASEAN heavyweights na Indonesia at Malaysia ay malakas na taga-suporta ng Palestinian cause.
Ngunit ang iba pang maimpluwensiyang ASEAN nations gaya ng Singapore, ay may malapit na ugnayan sa Israel.