Asean countries nagsama-sama upang makabuo ng isang produkto na makatutulong sa mabilis na pagtukoy sa karamdamang taglay ng tao

 

 

Nagsama-sama ang 10 mga bansa na kabilang sa samahan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya  o Asean countries sa isinagawang joint policy workshop on diagnostic in Southeast Asia.

Nilayon nito na  bumuo ng mga strategy upang mapaunlad  ang diagnostic test  na kailangang gawin  sa mga nangangailangang maysakit.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng DOST-Philippine Council for Health, Research and Development o PCHRD,   sa workshop na ito ay binigyang diin na   ang diagnostic test ay dapat maging affordable at accesible.

Dr. Jaime Montoya:

“Ano ba itong mga  diagnostic test, ito ay mga test  na kailangang gawin para  malaman natin kung ano ung karamdaman. Yun yung per individual patient, pero sa pangkaramihan sa komunidad, importante yan dahil kailangan nating malaman kung ano ang pinakamabisang paraan para malaman kung anong dinaramdan ng bawat tao”.

Muling binigyang diin ni Dr. Montoya na kabilang sa mga sakit na kailangan ang diagnostic test upang agad na maagapan ang pasyente ay  HIV- Aids, Cancer at Tuberculosis.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *