Asean E-Commerce agreement Innovation network, isusulong ng Singaporean government
Isusulong ng Singaporean government sa Asean ang E-commerce agreement and Innovation network na magiging daan para lumawak pa ang coverage ng mga negosyo sa Southeast Asia.
Ayon kay Singapore Minister for Trade and Industry Lim Hng Kiang, ang nasabing kausnduan ay makatutulong sa mga negosyo at sa mga investor na mapaunald at mapalawak pa ang kanilang hawak na negosyo na may kinalaman sa E-Commerce.
Sa pamamagitan din ng e-commerce agreement ay mapalakas nito ang Digital connectivity para sa mga MSME’s at mapapabilis din aniya nito ang pagbibigay ng serbisyo sa rehiyon ng Asean at mapadali ang pagbabayad ng mga produkto sa pamamagitan ng e-payment.
Inaasahan namang bago matapos ang taong ito ay magiging positibo ang resulta ng negosasyon ng Asean at Singapore ukol sa bagay na ito kasabay ng pagsasa-ayos ng Asean innovation network na ang pangunahing nilalayon ay upang mapalakas ang mga networks sa Asean sa pamamagitan ng Innovation at Ecosystem sa rehiyon.
Ulat ni Jet Hilario