Asean, plano na ring pag-aralan ang mga posibleng dahilan ng mga nangyayaring domestic abuse sa mga Migrant workers
Plano na ring pag-aralan ng Association of Southeast Asian nations o ASEAN ang mga dahilan ng mga nangyayaring pamamaslang sa mga Migrant workers na nagtatrabaho hindi lamang sa Middle East kundi sa iba pang mga bansa na may kaso ng domestic abuse sa mga OFWs.
Kasunod ito ng sunud-sunod na bilang ng mga Filipino migrant workers na namamatay sa Kuwait kung saan pinakahulng biktima doon ay ang OFW na si Joanna Demafelis.
Batay sa mga natatanggap na ulat ng ASEAN, tumataas na din ang bilang ng mga namamatay na migrant workers at masyado na ring lumalala ang mga kaso ng pang-aabuso lalu na sa mga kababaihan na nagta-trabaho sa Gitnang Silangan.
Hindi lamang ang Pilipinas ang nababahala sa mga kaso ng pagpatay sa mga migrant workers kundi maging ang Indonesian government kung saan may mga naitala din na pagpatay sa kanilang mga kababayan sa kamay ng mga amo nito.
Ayon sa Asean organization, napapanahon na rin para komprontahin na ng Asean ang mga bansang may mga kaso ng pang-aabuso ng employer sa kani-kanilang manggagawa dahil sa hindi maganda at maayos na trato ng mga ito sa mga Migrant workers.
Ulat ni Jet Hilario