Asean, umaasang magkakaroon ng solusyon ang Trade war ng China at US

Umaasa ang Singapore na nagsisilbing chairman ng Asean ngayong taon na magkakaroon na ng agarang solusyon sa namumuong Trade war ng China at ng Amerika.

Bagaman sa pananaw ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, ginawa lang naman aniya ng dalawang bansa kung ano ang makabubuti para sa kanilang ekonomiya subalit dapat ay isina-alang-alang aniya ng China at Amerika ang mga hakbang na ito lalo na’t nakasalalay dito ang relasyon ng iba pang mga bansa na nakikipagkalakalan sa kanila.

Ayon pa kay Prime Minister Lee Hsein Loong, hindi makakaapekto ang ipinataw na Tarrif ng Amerika at China sa ibang bansa na nakikipag-ugnayan sa kanila, subalit ang maaari aniyang maapektuhan dito ay ang Multilateral trading system  kung saan  dito nakadepende ang lahat ng mga bansa, ang mutual trusts, at ang kooperasyon nito  sa isa’t isa. lalo pa aniya kailangan ng Amerika ngayon ang pakikipag-usap sa North Korea.

Mahalaga din aniya ang Bilateral cooperation para maresolba ang mga suliranin sa bawat bansa katulad na lamang ng Terorismo, Violent Extremism, Climate change,  at iba pa.

Nanantili naman ang matibay na ugnayan ng China at Asean pagdating sa Infrastructure project, at patuloy din ang paglago ng investment ng China sa Asean.

Ayon kay Prime Minister Lee Hsein Loong, magpapatuloy pa aniya ito kung patatatagin ng China at Asean ang pagkakaroon ng commercial bounds at win-win projects kung saan ay makikinabang ang lahat.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *