Asia-Pacific may bagong sandata upang labanan ang drug-resistant TB
Isang mas mabilis at mas epektibong gamutan para sa drug-resistant tuberculosis ang inilunsad sa Asia-Pacific region, na nagpataas sa pag-asa ng isang “bagong panahon” sa pagharap sa isa sa pinakanakamamatay na nakahahawang sakit sa mundo.
Nasa rehiyon ang karamihan sa tinatayang 10.6 milyong bagong kaso ng TB sa mundo noong 2022, at higit sa kalahati ng 1.3 milyong pagkamatay, ayon sa mga numero ng World Health Organization (WHO).
Bagama’t ang TB ay maaaring matagumpay na magamot sa pamamagitan ng mga antibiotic, higit sa tatlong porsyento ng mga bagong pasyente ay mayroon nang tinatawag na drug-resistant TB na lumalaban sa mga karaniwang inireresetang gamot.
Hanggang nitong kamakailan, ang paggamot sa mga pasyenteng ito ay kinapapalooban ng araw-araw na ‘painful injections’ o napakaraming mga gamot para sa loob ng 18 o higit pang buwan, habang ang iba ay nagtitiis sa matitinding side effects gaya ng pagduduwal, at sa mas matinding kaso, ay pagkabulag.
Maraming tao ang maagang tumitigil sa kanilang gamutan o pag-inom ng gamot, na mayroong success rate na 63 porsiyento o mas mababa.
The treatment, known as BPaL, combines the antibiotics bedaquiline, pretomanid and linezolid, and has received regulatory approval in more than 60 countries since 2019 / JAM STA ROSA / AFP
Ngayon, isang bagong regimen ng gamot na kinasasangkutan ng mas kaunting mga tabletas at mga side effect ang inilunsad sa Asia-Pacific, kabilang ang Pilipinas, Vietnam at Indonesia, kung saan ang mga pagsubok ay nagpakita ng higit sa 90 porsiyentong rate ng paggaling pagkatapos ng anim na buwan.
Sa treatment na kilala bilang BPaL, ay pinagsasama ang mga antibiotic na bedaquiline, pretomanid at linezolid, at nakatanggap ng pag-apruba ng regulasyon sa higit sa 60 bansa mula noong 2019, ayon sa non-profit na TB Alliance, na bumuo nito.
In-update ng WHO ang mga alituntunin nito noong 2022 upang payagan ang BPaL na magamit nang mayroon o walang pang-apat na antibiotic na tinatawag na moxifloxacin.
Patients face crippling travel costs to hospitals and loss of income, or even their job, due to the illness and side-effects of the drugs / JAM STA ROSA / AFP
Ang BPaL ay nakapagpabago ng buhay ng Filipino cook na si Efifanio Brillante, na na-diagnose na may drug-resistant TB noong Hunyo 2022 at noong una ay gumamit ng isang mas lumang paraan ng gamutan.
Ang 57-anyos na si Brillante, ay umiinom ng 20 tableta sa isang araw, ngunit nakararamdam siya ng pagkahilo kaya hindi siya makapagtrabaho o makakain.
Itinigil niya ang pag-inom ng gamot pagkatapos ng dalawang linggo kahit alam niyang maaaring nakamamatay ang kaniyang desisyon.
Aniya, “It’s very difficult. You’re always in bed. Sometimes I couldn’t even breathe.”
Nang sumunod na buwan, ay lumahok si Brillante sa isang BPaL trial sa Jose B Lingad Memorial General Hospital sa lalawigan ng Pampanga.
Tatlo hanggang pitong tableta na lamang ang kaniyang iniinom bawat araw, at gumaling na pagkalipas ng anim na buwan.
Sinabi ni Brillante, “I’m very thankful that I was healed. If I didn’t take that BPaL, I might already be buried in the cemetery.”
Ang TB, na noon ay tinatawag na ‘consumption,’ ay sanhi ng isang bakterya na pangunahing umaatake sa mga baga at naililipat sa pamamagitan ng hangin ng mga taong mayroon nito, halimbawa sa pamamagitan ng pag-ubo.
Bagama’t ito ay matatagpuan sa bawat bansa, ang mga mahihirap na tao na naninirahan at nagtatrabaho sa masisikip na mga kondisyon ay nasa mas mataas na panganib ng sakit.
Ang two-thirds ng mga bagong kaso ng TB noong 2022 ay walong mga bansa na kinabibilangan ng: India, Indonesia, China, Pilipinas, Pakistan, Nigeria, Bangladesh at Democratic Republic of Congo.
Isa sa pinakamalaking hamon ng paggamot sa drug-resistant TB, ay ang tapusin ng mga pasyente ang itinakdang panahon ng kanilang medikasyon.
Maging sa mga bansa na ang gamutan ay libre, ang mga pasyente ay nahaharap sa malaking gastusin ng pamasahe patungo sa mga ospital, at kawalan ng kita, o maging ng kanilang trabaho, dahil sa sakit at ang side-effects ng mga gamot, sanhi upang marami ang huminto sa pag-inom ng kanilang mga gamot.
Sa Vietnam, karamihan ng mga nada-diagnose na may TB ay mula sa mga pamilyang mababa ang kita, ayon kay Hoang Thi Thanh Thuy mula sa Vietnam National Tuberculosis Program.
Sinabi ni Thuy, “Nearly everyone with drug-resistant TB endured ‘catastrophic’ expenses over the period of their treatment. All of these difficulties can affect patient compliance and lead to poor treatment and increasing drug resistance.”
Isa rin sa mga hamon ay ang pagtukoy sa mga taong may TB.
Until recently, treatment for these patients involved daily painful injections or a fistful of pills for 18 months or longer / JAM STA ROSA / AFP
Sa Indonesia, sinabi ni Imran Pambudi ng health ministry, “Some healthcare facilities are still not able to properly diagnose the disease. Fear of social stigma from a positive diagnosis is also common.”
Ayon naman kay Irene Flores, na nanguna sa BPaL trial sa Jose B Lingad Memorial General Hospital sa Pilipinas, “We’re trying to educate them that TB is a curable disease. If they come early, we can prevent complications.”
Una nang inihayag ng WHO, na pagkalipas ng ilang taong pagbaba, ang bilang ng mga taong nagkakasakit ng TB at ng drug-resistant tuberculosis ay nagsimulang tumaas sa panahon ng Covid-19 pandemic.
Makaraan ang napakalaking pandaigdigang pagsisikap na bumuo ng isang bakuna laban sa coronavirus, ang WHO ay nanawagan para sa dagdag pondo upang labanan ang TB.
Sinabi ni Sandeep Juneja, senior vice president ng market access sa TB Alliance, “As TB stopped being a high income-country problem, motivation to invest in research and development for new TB drugs dried up.”
Upang makatulong na mapabilis ang paglunsad ng BPaL, mayroon man o walang moxifloxacin, ang TB Alliance ay nag-set up ng isang “knowledge hub” sa Maynila upang magbigay ng pagsasanay at tulong sa ibang mga bansa.
Sa India, kung saan naaprubahan na ang BPaL, lumalaki ang kawalan ng pasensya na maipasok ito sa mga klinikang pangkalusugan dahil sa dami ng kaso sa bansa.
Ayon kay Ravikant Singh, founder ng advocacy group na Doctors For You, “BPaL should be rolled out soon because it will spare patients a lot of headaches and provide psychological relief too, besides reducing cost of treatment in the long run.”
Sabi pa ni Juneja, “The new regimen meant treating drug-resistant TB was no longer a guessing game of whether a patient would survive or not. But more is needed to be done.”
Dagdag pa niya, “I hope this is… just the beginning of a new era of TB treatment where they will be even simpler, even shorter.”