Asia Pacific Youth exchange delegates, binisita ang Biñan City, Laguna
Binisita ng 24 na kabataan na galing sa rehiyon ng Asya Pacifico ang Lungsod ng Binan bilang bahagi ng kanilang ASIA Pacific Youth Exchange Delegates for Local Immersion na pinadala ng Development Bank of the Philippines (DBP).
Malugod na tinanggap ang pagsibisita na pinangunahan ng Binan City Youth and Sports Development Office sa pamumuno ni Alfred Benedict Suarez kasama ang Lapiang Unlad Binan Youth sa pamumuno ni Peng Artisen.
Sa kanilang pagbisita inilibot sila sa makasaysayang lugar na kung saan ang kultura , history at arts ang makikita sa nasabing lungsod.
Ang pamahalaang lungsod ay inidorso ang Bgy. San Antonio na isang best barangay na doon sila makisalamuha upang malaman nila ang buhay at kultura ng binanense ng nasabing syudad.
Layuning nitong magsagawa ng aktwal na pag-aaral , alamin, makisalamuha at makipag-ugnayan sa mga ordinaryong mamayan ng nasabing barangay.
Sa tatlong araw nilang pamamalagi ay naging matagumpay ito, dahil marami sila natutuhan sa mga kababayan na likas ang pag-aasikaso sa mga dayuhang bisita.
Ulat ni Wilson Palima