Asin, sagot sa mabahong hininga
Kung akala natin ang asin ay ‘best’ lang sa lutuin at preservative, naku, ibahahagi ko sa inyo ang iba pang benefits nito.
Mahalaga ang asin sa kalusugan ng ngipin, kaya nga ‘yung naka-no salt diet, mainam na malaman ito.
Sa pagmumumog o gargle with warm water and salt ay nakakaiwas para hindi maging bad breath.
Hindi mo na kailangang bumili ng kung ano-ano para lamang bumango ang hininga.
Mapangangalagaan din nito ang gilagid ninyo at nagpapagaling sa tooth decay at nagstimulate ng saliva.
Bakit ba nagkakatooth decay?
Kasi ang bibig natin ay acidic at gusto ng bacteria, acidic.
Kaya mahalagang magmumog ng salt with warm water because it kills bacteria and viruses.
Ang kagandahan pa sa asin, may anti-inflammatory, anti bacterial, at nirerepair ang ngipin.
Anong klaseng asin ang magandang gamitin?
Sea salt o himalayan salt.
Ang asin ay nakatutulong para gawing alkaline ang bibig at hindi maging acidic.
Kung mapag-obserba kayo, mapapansin ninyo na may mga nabibili na ngayong mouthwash and toothpaste na may ingredient na asin gayung dati ay wala namang ganitong sangkap.
Marahil, naikuwento na ng mga lolo at lola ninyo na dati ang gamit nila ay asin bilang toothpaste, kasi walang toothpaste nuon.
Asin ang ginagamit nilang panlinis ng bibig.
Kung tutuusin, mas malinis, mapuputi, matitibay ang mga ngipin nuon, less ang dental problem.
Ganyan kahusay at kahalaga ang asin sa oral health.
Kaya lang kung ang iniisip ninyo ay asin na ang toothpaste ninyo ngayon, teka, paalala lang po, ang asin ay nakagagasgas ng ngipin.
Kaya ang payo ko, sa toothpaste ay maglagay sa ibabaw ng asin saka magsipilyo ng ngipin.
Sa pagmumumog naman ng salt with warm water, ang kailangan ay kalahating kutsarita ng asin sa isang basong maligamgam na tubig, gawin sa umaga at sa gabi.
Tandaan na kapag walang asin, magkakaproblema sa oral health.
Sana ay makatulong sa lahat ang ibinahagi kong ito sa inyo, salamat ng marami!