Assessment report sa pinsalang idinulot ng bagyong Rosita, hinihintay ni Pangulong Duterte

Inaabangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Assessment report ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC kaugnay ng pinsalang idinulot ng bagyong Rosita.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na personal na tinututukan ng Pangulo ang resulta ng pananalasa ng bagyong Rosita sa Northern Luzon.

Ayon kay Panelo, mahigpit ang direktiba ng Pangulo sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na mabilis dapat ang pagbibigay ng ayuda ng Gobyerno sa mga biktima ng kalamidad.

Bago pa man manalasa ang bagyong Rosita sa Northern Luzon ay naglaan na ang Malakanyang ng 1.4 bilyong pisong pondo na gagamitin para sa relief operations sa mga biktima ng bagyong Rosita.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *