Assistant Secretary ng DOJ, itinalaga bilang BI deputy commissioner
Isang Assistant Secretary ng DOJ ang itinalaga ni Pangulong Duterte na maging Deputy Commissioner ng Bureau of Immigration.
Ito ay si Justice Assistant Secretary Aimee Torrefranca-Neri na kapalit ni dating BI Associate Commissioner Michael Robles na sinibak matapos masangkot sa bribery scandal.
Dahil sa pagkakatalaga kay Neri , kumpleto na muli ang three-man board of commissioners ng BI na binubuo ng dalawang associate commissioners at immigration commissioner.
Una nang hinirang ng Pangulo si Tobias Javier bilang kapalit naman ni dating Deputy Commissioner Al Argosino na nadawit din sa bribery-extortion na kinasasangkutan ng negosyanteng si Jack Lam.
Ulat ni: Moira Encina