AstraZeneca anti COVID-19 vaccine na inorder ng Pilipinas hindi apektado ng pagdadamot European Union – Vaccine Czar sec Galvez
Matapos ibulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na hinohostage ng European Union member countries ang supply ng anti COVID 19 vaccine na AstraZeneca na gawa ng United Kingdom.
Pinawi ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ang agam-agam na maaapektuhan ang supply ng AstraZeneca na nakatakdang bilhin ng Pilipinas para gamitin sa mass vaccination program ng pamahalaan.
Sinabi ni Secretary Galvez na hindi manggagaling sa Europa ang supply ng AstraZeneca na bibilhin ng Pilipinas.
Ayon kay Galvez magmumula sa factory ng AstraZeneca sa bansang Thailand at India ang supply na kukunin ng bansa sa pamamagitan ng government to government negotiation.
Batay sa report nais kontrolin ng European Union ang supply ng AstraZeneca para sa kanilang pangangailangan bago payagan na i-export sa ibang bansa.
Vic Somintac