ATC sinunod ang internal mechanism nito sa designation sa 29 indibidwal bilang terorista
Ipinaliwanag ng Anti- Terrorism Council (ATC) ang proseso ng ginawang designation sa 29 na indibidwal bilang mga terorista.
Ayon kay Justice Undersecretary at ATC Spokesperson Adrian Sugay, sinunod ng ATC ang internal mechanism nito sa designation.
Aniya ito ay una munang ini-refer sa Technical Working Group (TWG) para rebyuhin ang basehan para sa pagtuturing sa mga nasabing indibidwal na terorista.
Pagkatapos ng evaluation aniya ay isinumite ng TWG ang rekomendasyon nito sa ATC para sa kanilang pagpapatibay.
Kasabay nito, sinabi pa ni Sugay na bukod sa freezing ng assets ng 29 ay maaari silang sampahan ng kasong kriminal kung madetermina matapos ang kinauukulang proceedings na lumabag ang mga ito sa Anti- Terror law, Revised Penal Code, at iba pang batas.
Ito ay bukod pa aniya sa mga kasong kriminal na kinakaharap na dati pa ng marami sa mga designated individuals.
Inihayag pa ng opisyal na karamihan sa 29 ay nagtatago o kaya ay nasa labas na ng bansa.
Wala rin aniyang rekomendasyon pa sa ngayon ang ATC na ipalagay sa korte sa precautionary hold departure order ang mga nasabing indibidwal.
Moira Encina