Athletics nagsimula na sa Tokyo Paralympics
TOKYO, Japan (AFP) – Nagsimula na ang Athletics sa Tokyo Paralympics, kung saan nakuha na ng Brazil ang una nilang ginto, habang namamalagi namang buhay ang pag-asa ng wheelchair rugby team ng Australia na makakakuha ng gintong medalya.
Kabuuang 45 Paralympic golds ang nakalaan para sa mga palaro ngayong araw (Biyernes), kabilang ang archery, athletics, at judo na paglalabanan sa Budokan venue ng Tokyo.
Ang track and field events ay nagsimula sa pamamagitan ng pinakamabilis na para sprinter sa buong mundo, ang Brazilian na si Petrucio Ferreira dos Santos, na target makuha ang titulong fastest Paralympians in history sa T47 100m.
Si dos Santos ay tinaguriang Usain Bolt ng para athletics, kung saan may world-record siyang 10.43 seconds sa 2019 Dubai World Championships.
Samantala, ang kapwa Brazilian ni dos Santos na si Silvania Costa de Oliveira ay nakakuha ng una niyang ginto sa field events, kung saan matagumpay niyang naidipensa ang titulong napanalunan niya sa Rio sa women’s T11 long jump.
Nagkaroon naman ng pagkakataon na maging kaunahang Paralympic refugee team member na manalo ng isang medalya, ang swimmer na si Abbas Karimi matapos makapasok sa qualifying event ng men’s S5 50m butterfly.
Ayon sa 24 anyos na Afghan na isinilang na walang mga braso, target niyang makakuha ng ginto.
Isa rin ang rugby wheelchair team ng Australia, sa umaasang makakukuha ng medalya, matapos matalo sa Denmark sa mga unang bahagi ng linggong ito.
Nagsimula naman ang archery competition sa Iranian star na si Zahra Nemati, na nanalo ng ginto kapwa sa Rio at London, at Amerikanong si Matt Stutzman na tanyag sa paggamit sa kaniyang mga paa.
Ang 38 anyos na si Stutzman na ipinanganak na walang mga braso, ay naging tanyag at matagumpay dahil sa kakaiba niyang estilo. Nagwagi siya ng silver medal sa Rio.
Aniya . . . “I don’t care what people say, I don’t watch the news, I don’t watch other people’s scores, I’m just focusing on me and what I can do.”
Agence France-Presse