Aurora Cruz Ignacio, itinalaga bilang bagong Presidente at CEO ng Social Security System
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Aurora Cruz Ignacio bilang bagong presidente at chief executive officer ng Social Security System o SSS. March 28 nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang kanyang appointment paper.
Siya ang uupo sa nabakateng pusisyon ni Emmanuel Dooc matapos itong nagbitiw sa pwesto nitong March 6.
Binigyan ni Dooc ng pagkakataon si Pangulong Duterte na na makapili ng mamuno sa SSS, kasunod na rin ng pagpasa ng batas na nag-aamyenda sa SSS charter.
Naging Assistant Secretary ng Office of the President si Ignacio at itinalagang ‘focal person’ o taong tututok sa pagtanggap ng mga tanong at paglilinaw hinggil sa mga isyu ng anti-illegal drugs campaign ng administrasyon.
Ulat ni Vic Somintac