Australia at EU tutulong sa prison reforms sa bansa
Nagpahayag ng suporta ang Australia at European Union sa mga reporma sa prison systems ng bansa.
Sa National Jail Decongestion Summit, tiniyak ni Australian Ambassador to the Philippines HK Yu na tutulong ang gobyerno ng Australia sa hangarin ng Pilipinas na maresolba ang siksikan sa mga kulungan at marehabilitate ang mga bilanggo.
Magkakaloob aniya ang Australia ng training programs sa prison guards at sa pangangasiwa sa mga piitan.
Sinabi ni Yu na dati rin ay malala ang kondisyon ng mga kulungan sa Australia at kinailangan nilang magpatupad ng mga reporma.
Ayon pa sa diplomat, mahalaga na matugunan ang problema ng overcrowding sa kulungan para malabanan din ang terorismo.
“If we do not get this right those terrorists stuck in jails could potentially come out just as extreme and in fact in worst case scenario even radicalized others,” sabi ni Yu.
Pinuri naman ni EU Delegation to the Philippines Ambassador Luc Veron ang mga inisyatiba ng Pilipinas at pagtutulungan ng ehekutibo at hudikatura para mapabuti ang kondisyon ng inmates sa mga kulungan.
Siniguro ni Veron na magpapatuloy ang iba’t ibang tulong at programa nito sa Pilipinas kasama na ang pagbibigay ng training at edukasyon sa mga inmate.
“Education of the PDL is path towards rehabilitation. I’m therefore proud we support the training of PDLs as legal researchers which enable them to assist their fellow PDLs in processing their case,” pahayag ni Veron.
Moira Encina