Australian foreign minister nasa bansa para sa official visit
Dumating na sa bansa para sa official visit si Australian Foreign Minister Penny Wong.
Sinalubong si Wong sa NAIA nina DFA Undersecretary Antonio Morales, Philippine Ambassador to Australia Ma. Hellen De La Vega at ilan pang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).
May bilateral meeting ngayong Huwebes si Wong kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Ayon sa DFA, ilan sa mga pag-uusapan ng mga opisyal ang ukol sa defense and security partnership, development cooperation, trade and investment, at people-to-people ties.
Inaasahang din ang courtesy call ng Australian official kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte.
Ang pagbisita ni Wong ay kasunod ng mga serye ng high-level exhanges sa pagitan ng Australia at Pilipinas.
Ito ang unang pagpunta sa bansa ni Wong mula nang manungkulan noong 2022.
Moira Encina