Australian Foreign Minister Penny Wong bibisita sa bansa sa Nov.14 -15
Nakatakdang bumisita sa bansa sa Nobyembre 14 hanggang 15 si Australian Foreign Minister Penny Wong sa imbitasyon ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magkakaroon ng bilateral meeting sina Manalo at Wong sa Nobyembre 15.
Rerebyuhin sa pagpupulong ng dalawa ang kasalukuyang estado ng relasyon ng Pilipinas at Australia.
Partikular na sa defense and security partnership, development cooperation, maritime cooperation, at people-to-people ties ng dalawang bansa.
Inaasahang tatalakayin din ng mga opisyal ang regional issues gaya ng West Philippine Sea at ASEAN-Australia engagements.
Ito ang unang pagbisita ni Foreign Minister Wong sa Pilipinas mula nang ito ay maitalaga sa puwesto noong Mayo.
Kamakailan ay bumisita si Wong sa Thailand at Brunei Darussalam.
Moira Encina